DISCLAIMER

THIS IS JUST FOR ENTERTAINMENT BLOG. KAYA WALANG PIKON PLEASE XD

Monday, June 15, 2009

Pinaka Nakaka-anung Terms ng Pinoy

ahehehe. we're down to these terms na sa una ay di ko maintindihan ngunit ngayon.. ay tinatawanan q na lang. hehe catchy kasi these e terms kaya i've stumbled upon these terms accidentally (ingles pang nalalaman ampota xD^^)



KUYUKOT - cleavage o hati ng pwet. madalas itong makita sa mga naglolow waist feelingera.

AGIHAP - libag na dumidikit sa panty o brief dahil sa labis na pagmamahal sa suot panloob. nabubuo ito kung ang panty o brief ay nasuot ng hindi bababa sa tatlong araw.

BAKOKANG - gigantic peklat. ito’y madalas na dulot ng mga sugat na malaki. imbes na normal na balat ang nakatakip sa bakokang, ito’y mayroong makintab na takip

JAKUBE (jah-ku-be)/BARNAKOL - maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na panahon.

ASOGUE - buhok sa kili-kili.

BAKTONG - pinaikling salita sa BAKAT-UTONG.

KARUG - pinaikling salita sa KARUGTONG. madalas karugtong nito ay bul-bul

HOGMAS/JABARR - matalas at mabahong amoy sa kili kili na may pawis

JOGADILYOS/KUKURIKAPU - libag sa ilalim ng malalaking joga dahil sa hindi pagligo o kaya naman ay paglagay ng maraming pulbos sa joga.

WENEKLEK - buhok na tumutubo sa utong. unisex ito kaya walang iwas ang babae. inaahit to ng ibang babae.

TULOK - plema sa tenga na kung tawagin ay ear wax. madalas itong sumilip sa labas ng tenga at mabaho.

BURNIK - dalawa ang ibig sabihin nito. ang una ay ang taeng sumasabit sa buhok ng pwet. ang pangalawang meaning nito ay ung buhok sa pwet na madalas makita sa mga taong nagsusuot ng skinny jeans na low rise at madalas tumuwad.

BULTOKATCHI - tubig na humahaplos sa pwet habang humahampas ang tae sa tubig ng inidoro. madalas itong gawa ng malalaking tae.

so ayan. san nga ba nakuha tong mga terms na to? kakaiba talaga taung mga pinoy. kung anu-ano ang mga naiisip na mga salita at binibigyan ng kakaibang meaning. for sure marami pang iba dahil ang langauage ng pinoy ay nageevolve at umuunlad. buti nga ang wika ay umuunlad e. e ung mga taong nagsasalita nito mismo at ang bansang kanyang tinitirahan ay nakatengga lang at walang pagunlad na makikita. that's a sad fact pero kung di dahil sa mga words na toh edi wala tayong tinatawanan at pinagkakaaliwan ngayon hindi ba?

source = isipan ko, mga kaibigan ko at http://pinoyslang.com img source = http://i29.photobucket.com/albums/c253/bamboo_locco/Pilipino-Inside.gif
 

blogger templates | Make Money Online